Posts

Showing posts from June, 2014

Hindi Ka Na Naman Mister

Image
"Bakit ka ganyan? Nakakainis ka." Paulit-ulit kong sinabi sayo yun paglabas ko ng pinto. Sobra ka naman kasi e...sobrang sweet. At sobrang napasaya mo ako. Ang hirap mag-isip ng sasabihin kasi nakakatameme talaga hanggang ngayon. Thank you! Hindi ko akalaing may makakaappreciate sakin gaya ng kung paano mo ako iappreciate. Hindi ko inasahan na may gagawa ng mga sweet na bagay para sa akin katulad ng mga ginagawa mo. Hindi ko inexpect na sasagutin agad ni God yung panalangin ko. Isa lang 'to sa mga sobrang sweet na ginawa mo at kahit paulit-ulit na ako, gusto ko pa rin sabihin na naappreciate ko...sobra. Salamat.