Posts

Showing posts from February, 2015

Dumarating ... Umaalis

Isang araw, naglalakad ako sa Forestry. Nakasalubong ko ang isang tita na nagtatrabaho sa isang office ng UPLB. Nag-usap kami at nagkumustahan Tinanong ko sya kung pwede pa ba ako mag SA sa kanila. Tapos na yata kasi ang period para mag-apply. Sinabi nya sakin na pwede daw. Irerequest na lang daw nila ulit sa OSA na kukuha pa sila ng isa pa para makuha nila ako. Sobrang nagpasalamat ako sa kanya. Nakarating kami sa sakayan ng jeep at habang naghihintay, maraming ibang sasakyan ang dumaan. Hanggang sa isang malaking truck ang sunod na dumaan at sa di inaasahan … nagulungan ng truck ang kanang paa ko. Dugo. Maraming dugo. Pilit kong hinahanap sa paa ko ang sugat na pinagmumulan ng dugo ngunit masyadong marami ito na tila tinatakpan na ang buong paa ko. Sa kabila nito, wala akong nararamdamang  sakit. Naglakad kami ni tita ng kaunti. Patuloy sa pag-iwan ng bakas ang paa ko sa kalsada. Sumakay kami sa isang coaster na puro mga gradeschool students ang nakasakay. Bumaba kami sa ark