Posts

Showing posts from December, 2013

Dalawa

"I'm sorry kung nasaktan kita. I'm sorry kung hindi kita napanindigan. I'm sorry kung hindi ikaw yung pinili ko. I'm sorry kung pinaramdam ko sayo na wala kang halaga. Pero ang totoo nyan, naduwag lang kasi ako e. Gusto kong malaman mo na minahal kita, na mahal pa rin kita. Maiintindihan ko kung hindi mo na ako kayang mahalin ulit pero sana  mapatawad mo ako. " -Kim Chiu, 24/7 In love Masakit ang iwan ng taong mahal mo, masakit ang lokohin ng taong pinakaimportante sayo, masakit yung saktan ka ng tanging taong nagparamdam sayo na hindi ka nag-iisa at nagpaniwala sayong kailanman ay hindi ka mag-iisa. Halos lahat naman siguro sa atin alam ang pakiramdam ng masaktan at madalas, nasa mga taong naiwan ang simpatya nating lahat pero paano naman yung mga nang-iwan? Yung mga nakasakit? Yung mga hindi nakatupad sa pangakong hindi ka mag-iisa?  Wala na ba silang karapatang masaktan tulad nung isa? Nung iniwan ka ng taong mahal mo : syempre itinanong mo sa sari