Posts

Showing posts from September, 2013

Sa Hindi Inaasahang

Masaya sa pakiramdam kapag natutupad ang mga bagay na pinlano natin ahead of time,  pero minsan, mas masaya sa pakiramdam pag nangyayari ang mga magagandang bagay nang hindi natin inaasahan. Yung tipong wala ka ni isang clue sa mga mangyayari o kung may mangyayari ba talaga. Yung parang wala ka naman inaasahan na darating pero biglang nanjan na sa harapan mo. Para bang may nagthrow ng birthday surprise sayo kahit hindi mo naman talaga birthday. Mas okay na din kasi siguro na hindi mo inexpect yung pangyayari para walang takot mong haharapin kung anuman yun. Para wala kang dahilan para umatras ang umiba ng daan. Kung natatakot ka, okay lang yan. Kung hindi ka sigurado, okay lang yan. Kung naguguluhan ka, okay lang yan  Natural lang na makaramdam tayo ng kaguluhan, di kasiguraduhan at takot. Hindi natin masasabing tao tayo kung di natin mararamdaman ang mga ito. Lahat naman ay dumarating sa ganitong pagkakataon, na para bang hindi mo alam kung ano ang susunod na hakbang, kung ang u