Posts

Showing posts from December, 2017

Hampas

Ang puso ko'y inanod... inanod, nalunod Damdamin ay tinangay tungo doon sa pusod Sa gitna, pinakamalalim, ngunit tinatanging bukod Ang puso ko'y inanod, malugod na sumunod. Hinarap ang mga alon at balakid Sa hampas ng tubig pinilit di mamanhid Nahulog ako at napailalim Marating lang ang iyong piling. Nilangoy ang dagat ng iyong pagmamahal Sa pag-asa na ako'y itatanghal Bilang nag-iisang taong ihaharap sa Maykapal At patunay na may katuparan ang mga dasal.