Posts

Showing posts from September, 2015

P

Hopeless romantic daw ang tawag sa mga katulad ko. Hindi ako tatanggi dahil inaamin ko na ganun talaga ako. Mahilig sa mga love stories at kung anu-anong romantic kahit ano pang medium. Movies, books, music, pero higit sa lahat, pinakagusto ko ang mga totoong kwento. Kaya siguro mahilig ako sa mga wedding proposal, kasal at Aldub. Kanina lang, napadaan ako sa San Agustin Church (isa sa mga pinakagusto kong simbahan) at naabutan ko ang pagsisimula ng isang kasal. Kinapalan ko ang mukha ko at pumasok sa loob. Paborito ko kasi yung part na pagpasok ng bride sa pinto ng simbahan. Para sa akin, yun ang pinakamagical na bahagi ng isang kasal. Ang ganda nung bride. Medyo nanginginig sya sa halu-halong emosyon. Tila hindi nya alam kung ngingiti ba sya habang naglalakad o hahayaang tumulo ang luha sa sobrang kaligayahan hanggang sa matanaw ko ang groom. May hawak sya na panyo at nagpapahid ng luha sa kanyang pisngi. Ilang sandali lang bago ko isulat ito ay nanonood ako ng Wagas. Isang