Sa Hindi Inaasahang

Masaya sa pakiramdam kapag natutupad ang mga bagay na pinlano natin ahead of time,  pero minsan, mas masaya sa pakiramdam pag nangyayari ang mga magagandang bagay nang hindi natin inaasahan. Yung tipong wala ka ni isang clue sa mga mangyayari o kung may mangyayari ba talaga. Yung parang wala ka naman inaasahan na darating pero biglang nanjan na sa harapan mo. Para bang may nagthrow ng birthday surprise sayo kahit hindi mo naman talaga birthday. Mas okay na din kasi siguro na hindi mo inexpect yung pangyayari para walang takot mong haharapin kung anuman yun. Para wala kang dahilan para umatras ang umiba ng daan.

Kung natatakot ka, okay lang yan. Kung hindi ka sigurado, okay lang yan. Kung naguguluhan ka, okay lang yan  Natural lang na makaramdam tayo ng kaguluhan, di kasiguraduhan at takot. Hindi natin masasabing tao tayo kung di natin mararamdaman ang mga ito. Lahat naman ay dumarating sa ganitong pagkakataon, na para bang hindi mo alam kung ano ang susunod na hakbang, kung ang uunahin mo ba ay ang kaliwang paa o ang kanan, kung saang direksyon mo ipapaling ang iyong sarili. Nakakaconfuse at nakakagulo ng isipan pero hindi naman siguro dapat mag-alala ng sobra. Lahat ng ito ay nangyayari dahil ito ang nais Nya. Ito kasi ang naksasaad sa plano Nya e kaya okay lang yan.

Ang complicated talaga ng isip ng tao. Gusto natin masaya tayo pero kapag ramdam na natin ang kasiyahan bigla tayo matatakot na baka bukas hindi na, kasi iniisip natin na may kapalit ang lahat ng bagay. Gusto natin sa happily ever after pero gusto din natin ng part 2. Ano nang mangyayari sa sequel? Di naman pwedeng puro happy ever after lang, ang boring naman nun.


BAKIT KA MATATAKOT KUNG ALAM MONG KASAMA MO SYA? Bakit nga ba tayo mangangamba kung alam nating ito ay ayon sa plano Nya? Hindi ba pwedeng tanggapin na lang natin na ito ang nararapat mangyari para mas maappreciate natin ang mga nagaganap sa buhay natin. Hindi ba pwedeng ienjoy na lang natin ang mga nangyayari? Natural lang matakot at mag-alala para sa kinabukasan pero wag din nating kalimutan, nandyan Sya. Kung tingin mo wala Sya sa tabi mo, check mo , baka ikaw pala ay Kanyang pinapangko. Anuman ang nararamdaman mo ngayon, isipin mo… okay lang yan.  :)

Comments

Popular posts from this blog

An Open Letter To The Man Who Makes Me Want To Stay In Love

O.K.

Hands