Dalawa

"I'm sorry kung nasaktan kita. I'm sorry kung hindi kita napanindigan. I'm sorry kung hindi ikaw yung pinili ko. I'm sorry kung pinaramdam ko sayo na wala kang halaga. Pero ang totoo nyan, naduwag lang kasi ako e. Gusto kong malaman mo na minahal kita, na mahal pa rin kita. Maiintindihan ko kung hindi mo na ako kayang mahalin ulit pero sana  mapatawad mo ako. " -Kim Chiu, 24/7 In love

Masakit ang iwan ng taong mahal mo, masakit ang lokohin ng taong pinakaimportante sayo, masakit yung saktan ka ng tanging taong nagparamdam sayo na hindi ka nag-iisa at nagpaniwala sayong kailanman ay hindi ka mag-iisa. Halos lahat naman siguro sa atin alam ang pakiramdam ng masaktan at madalas, nasa mga taong naiwan ang simpatya nating lahat pero paano naman yung mga nang-iwan? Yung mga nakasakit? Yung mga hindi nakatupad sa pangakong hindi ka mag-iisa?  Wala na ba silang karapatang masaktan tulad nung isa?

Nung iniwan ka ng taong mahal mo: syempre itinanong mo sa sarili mo, sa lahat ng tao, sa buong mundo, at marahil  pati sa Diyos, kung ano bang mali sayo. Naitanong mo na, siguro maging sa taong nagpasyang iwan ka, kung saan ka nagkamali at kung saan ka nagkulang? Umiyak, nag-inom, nagkulong, at nagdrama ng ilang araw, linggo o buwan. Sa panahong iyon, naisip mo ba kung anong nararamdaman nya? Siguro nga naisip mo na baka masaya na sya kasi wala ka na sa buhay nya. Pero paano kung nasaktan din pala sya?

"Pinili kitang iwan kahit alam kong masakit kasi pinili ko kung ano ang mas makakabuti para sa atin. Sabi mo masaya tayo, at naniniwala ako dun, paano nga ba may ibang makakabuti sa atin. Hindi naman kasi dahil masaya ka, nasa tamang sitwasyon ka na. Nagawa ko yun kasi iniligtas lang kita sa maling tao, sa akin. Mahal kita pero hindi sapat na mahal lang kita para maging para tayo sa isa't-isa. Marahil ay masaya tayo sa maraming pagkakataon pero paano naman yung mga pagkakataong nararamdaman ko at siguro ay nararamdaman mo din na parang wala namang kinapupuntahan ang relasyon natin. Yung para bang, OKAY NAMAN pero ang problema OKAY LANG. Para kasing nagsettle na lang tayo sa OKAY. Or as we say it yung hindi na tayo nagggrow individually. May mali, may kulang, pero hindi ibig sabihin na ikaw ang mali o may kulang. Hindi din ibig sabihin na ako ang mali o may kulang. Ang  pagkakamali ay nasa ating dalawa, hindi sa iisa."

"Natakot ako. Naduwag ako. Hindi kita napanindigan pero hindi ibig sabihin, madali para sa akin na gawin yun. Sinubukan kong maging matapang para sayo at para sa ating dalawa ngunit hindi sapat ang aking lakas para panindigan ka. Kung tinuloy ko, maaaring mas nasaktan kita at mas nahirapan tayo. Hindi naman ganun ganun lang ang kung anumang mayroon tayo pero siguro mas kaya kong ibigay ang sarili ko sa taong mahal ko kung alam kong buo ako bilang isang tao. Nasaktan ako dahil nga hindi ako naging matapang at sigurado sa sarili ko para sayo. Natakot akong baka masaktan lang kita base na rin sa mga naging karanasan ko. Naduwag akong baka mahulog ako ng tuluyan sayo kahit na alam kong hindi pa talaga ako handang mahulog at masaktan ulit. Lumayo ako dahil sa takot na yun. Sana maintindihan mong hindi madali para sa akin na gawin yun. Nasaktan kita. Nasaktan din ako."

"Iniwan kita dahil mas pinili ko sya. Una akong nasaktan dahil kailangan kong pumili at pakawalan ang isa. Kahit kailan hindi naging madali ang pumili lalo na kung parehong importante ang dalawang tao. Masakit bitawan ang isang taong naging bahagi na ng buhay mo at mayroong mahalagang lugar sa puso mo. Para bang nawalan ka ng isang parte ng katawan, ang hirap kumilos, mahirap umusad pero kailangan. Nasaktan din ako nung pakawalan kita at nasasaktan ako tuwing naiisip kong karapat-dapat ka para sa isang taong mamahalin ka ng lubos at hindi ako yung taong yun. Tulad ng marami, sinunod ko lamang ang puso ko. Alam nya kung saan ako mas magiging maligaya. Tulad ko, sundin mo rin ang puso mo. Marahil patikim pa lang ang pagpili mo sa akin dahil parating pa lang yung para sayo na tunay na magiging nilalaman ng puso mo."

Tunay naman na masakit ang maiwan. Masakit ang ipagpalit sa iba. Masakit ang maramdamang wala kang halaga. Hindi naman talaga madali pagdaanan ang mga ganung bagay pero sa isang kwento ng pag-ibig, hindi lang naman iisa ang bumuo ng kwento kasi dalawa sila. Sabi natin, "May isang nasaktan at may isang nananakit." Mas naniniwala akong, "May isang nasasaktan at may isang mas nasasaktan." Siguro nga hindi talaga magkalevel  yung sakit pero aminin naman natin na sa dalawang taong nagmahalan, pareho silang may karapatang masaktan pag dumating ang dulo ng samahan.

Alinman sa dalawang bumubuo ng love story ang sitwasyon mo ngayon, kailangan mong magpatawad at humingi ng tawad sa kanya at sa sarili mo. Pareho lang kayong nasaktan, pareho lang nahirapan. Wag mo syang sisihin, wag mo rin sisihin ang sarili mo kasi dalawa kayo sa kwento ng inyong pag-ibig.

Tulad nga ng sabi sa mga kanta:

Para sa taong iniwan, "Baby it's never gonna work out. I love you. Goodbye."

At para sa taong nang-iwan, "Someday, someone's gonna love me the way I wanted you to need me."

Comments

Popular posts from this blog

An Open Letter To The Man Who Makes Me Want To Stay In Love

O.K.

Hands