P
Hopeless romantic
daw ang tawag sa mga katulad ko. Hindi ako tatanggi dahil inaamin ko na ganun
talaga ako. Mahilig sa mga love stories at kung anu-anong romantic kahit ano
pang medium. Movies, books, music, pero higit sa lahat, pinakagusto ko ang mga
totoong kwento. Kaya siguro mahilig ako sa mga wedding proposal, kasal at
Aldub.
Kanina lang,
napadaan ako sa San Agustin Church (isa sa mga pinakagusto kong simbahan) at
naabutan ko ang pagsisimula ng isang kasal. Kinapalan ko ang mukha ko at
pumasok sa loob. Paborito ko kasi yung part na pagpasok ng bride sa pinto ng
simbahan. Para sa akin, yun ang pinakamagical na bahagi ng isang kasal. Ang
ganda nung bride. Medyo nanginginig sya sa halu-halong emosyon. Tila hindi nya
alam kung ngingiti ba sya habang naglalakad o hahayaang tumulo ang luha sa
sobrang kaligayahan hanggang sa matanaw ko ang groom. May hawak sya na panyo at
nagpapahid ng luha sa kanyang pisngi.
Ilang sandali lang
bago ko isulat ito ay nanonood ako ng Wagas. Isang tv show sa GMA News TV kung
saan bawat sabado ay may isang couple na nagkukwento ng pagmamahalan nila.
Natanong ko ang sarili ko, "Bakit nga ba ganun na lang ang pagkahilig ko
sa mga bagay na ganito?"
E kasi, malakas ang paniniwala ko sa pag-ibig.
Sino
ba naman ang hindi maooverwhelm sa pag-ibig ng Panginoon at ng pamilya. Bonus
pa ang mga kaibigan at dagdag na bonus pa kung may isa pang espesyal na tao sa
buhay mo. Sobra lang talagang biyaya na may mga taong nagmamahal sa bawat isa
sa atin kaya bilib talaga ako sa love.
Kasi naniniwala akong may isang wagas na pag-ibig ang
bawat isa sa atin.
"Ayoko
na magmahal ulit. Sobrang sakit. Hindi ko na kaya." Ilang beses ko na narinig yan pero ilang
beses ko na rin narinig ilang buwan o taon matapos nyan ang, "Ang sarap
magmahal." Mas masarap yata marealize na kaya tayo nasaktan dati kasi
hindi sya yung tamang tao. Na kaya kailangan ka iwanan nung dati kasi darating
yung bago, yung tama, yung tunay na pag-ibig.
Kasi balang araw, pangarap ko rin na maibahagi ang
kwento ng tunay na pag-ibig ko at maging inspirasyon para sa mga taong ilang
ulit na nabigo dahil sa pag-ibig.
Marami
na akong napanood, nabasa at nasaksihan na kwento ng kabiguan. Mga kwento ng
kaibigan, lalo’t higit, ng pamilya. Hindi man palaging happy ending, parati
namang may new beginning at never ending. Proven na ang kapangyarihan ng
pag-ibig. Kayang kaya nitong buoin ang isang tao kahit ito pa mismo ang syang
sumira dito. Hindi sapat na dahilan ang karanasan ng ibang tao kahit pa ang
sariling karanasan para tumigil na lang sa paniniwala sa wagas na pag-ibig.
Isang magandang halimbawa? Ang sarili nating buhay, ang ating pamilya at mga
kaibigan, at ang mga bagay na mayroon tayo. Lahat ng ito ay dahil sa isang
dakilang pag-ibig.
Ayos lang naman ang
maging ampalaya minsan sa buhay natin. Maaaring nasa bahagi pa lang tayo na
paghahanda ng ating sarili para sa pagdating ng tamang panahon. Pero wag
manatili sa mapait na katayuan. Gaya ng sabi sa 1st law of motion: A body at rest tends to stay at rest unless
acted upon by an unbalanced force. Sooner or later makikilala mo rin o maaaring
marerealize mo rin kung sino si "unbalanced force" ng buhay mo.
Comments
Post a Comment