Hampas

Ang puso ko'y inanod... inanod, nalunod
Damdamin ay tinangay tungo doon sa pusod
Sa gitna, pinakamalalim, ngunit tinatanging bukod
Ang puso ko'y inanod, malugod na sumunod.

Hinarap ang mga alon at balakid
Sa hampas ng tubig pinilit di mamanhid
Nahulog ako at napailalim
Marating lang ang iyong piling.


Nilangoy ang dagat ng iyong pagmamahal
Sa pag-asa na ako'y itatanghal
Bilang nag-iisang taong ihaharap sa Maykapal
At patunay na may katuparan ang mga dasal.

Comments

Popular posts from this blog

How To Be A Sister

In Time

An Open Letter To The Man Who Makes Me Want To Stay In Love