True Love Waits (Discovery Camp Sharing)
Last weekend, I had the chance to share a love story to my brothers and sisters in YFC. I'm sharing this here now because I'd also like to encourage everyone who's struggling with relationships, not necessarily romantic relationships. Have faith! Trust God's plan! Love truly!
December 1, 2012. It
was our family's annual thanksgiving and wish day. For that year I prayed for
love. Medyo matagal ko na rin kasing ipinagdadasal yung taong ipagkakaloob Nya
sa akin pero simula nung pagkakataon lang na yun ko sinabi sa Kanya na handa na
po ako. As we know, God's answer can be a YES, NO or WAIT. So I waited while
continuously praying.
August 16, 2013. In
Pangasinan, a friend confessed his admiration. I had no idea so everything was
a shock. Like other people awkward para sa akin nung umpisa kasi kaibigan ko e.
Nakkwento ko pa sa kanya yung mga crushes ko at ganun din sya. We were each
other's confidant pagdating sa mga crush kaya nagulat talaga ako sa sinabi nya.
Ilang weeks after nun ay okay na naman ulit at mula nun, naging pang-asar na
ang iba pang kaibigan. Nananadya para magkasama kami na kami lang, usually sa
pagkain. We got closer and closer habang tumatagal. Almost two years na rin
kaming ineenjoy yung company ng isa't-isa. Sobrang masaya ako, alam kong sya
din. We were like the best of friends now dahil sa dami ng mga bagay na
napagsaluhan na namin. Sobrang inaadmire ko ang couples na nagstart as friends
kaya sobra yung kaligayahan ko nung nangyari yun sa akin.
"Kaya lang
laging may kaya lang", sabi nga ni Kim Chiu sa isang movie. Lahat yata ng
kwentong pag-ibig laging may conflict at nagkataong yung samin...hindi madali
iresolve. Magkaiba kami ng religion. At parehas kaming hindi kayang
magsakripisyo. He's an only child and converting to other religion might
possibly mean disobedience to his parents and I asked him to never disobey his
parents because of me or of any person. Hindi man ako only child pero yung puso
ko yung hindi kayang magsakripisyo. Ito kasi ako e, hindi ko yun kayang baguhin
para sa isang tao. Alam kong ganun din sya kaya naiiintindihan ko kung bakit
hindi nya rin kaya. Ayokong hingin sa kanya yun kasi ayokong ilagay sya sa
ganun kahirap na sitwasyon at ayoko rin na gawin nya yun sakin. Ang sakit. Ang hirap. Akala ko masaya na ko,
akala ko may forever sa love story namin. Pinagpray ko naman sya e, hinintay
ko. Pero bakit ganun?
Ilang beses na ako
natanong kung bakit hanggang ngayon nagstay pa rin kami with each other. Ilang
beses ko na din naisip na ihinto na lang pero ang problema kasi sakin masyado
ako nag-aalala sa bukas. Oo, masaya ako kahapon at ngayon pero paano bukas, sa
isang linggo, sa isang buwan, sa isang taon. Maliit lang ang mundong
ginagalawan namin. Iisang university, campus, college, department, at set of
friends. Minsan naiisip ko bakit ang unfair? Bakit sa iba madali lang? Ano bang
nagawa kong kasalanan at naging ganito ang sitwasyon ko?
Sabi sakin ni God,
"Bakit ka natatakot? Bakit ka nagdududa? Wala ka bang tiwala sa Akin?
Hindi ka ba naniniwala sa plano Ko para sayo, para sa inyo?" Nagflashback
bigla yung talk 1 nung youth camp. I realized na bakit nga ba ako nagdududa sa
plano Nya? Hindi ako dapat matakot sa bukas kasi He has it planned for me… for
my good.
I remember one
brother telling me na "Love is a gift from God pero pag yung gift na yun
ay kinuha mo nang hindi pa naman ibinibigay sayo, parang mali diba? Para lang
yang gift sa ilalim ng Christmas tree. Alam mong nandyan pero bubuksan mo ba
kung hindi pa naman pasko?" In this generation, mahirap na para sa mga tao
ang maghintay. Halos lahat kasi ay instant, kung hindi man right away, yung
tipong ilang minuto lang hihintayin tapos okay na. Pero hindi kasi ganun kay
God, hindi ganun sa pag-ibig. I really don't believe in "right love but wrong
timing". For me there is no such thing as that. If the timing is wrong, then the
love is also wrong. "Timing is everything", sabi nga nila. Never
naman pumalpak si God dun.
You know what this
love teaches us? This love teaches us to pray.
Kahit na ganun, kahit na iba ng ways, nakakapagpray kami together. At pag
ginagawa namin yun, parang nawawala yung barrier. This love teaches us to wait patiently for the revelation of God's
plan. Hindi namin alam kung ano yun pero we both believe that it is something
great. And this love teaches us to prepare
ourselves. To prepare for that time when everything will make sense.
April 27, 2015. It
was just an ordinary day. This was the day that I posted this. The day that I
am finally confident to say that I believe in us. I have faith in God. I am
positive about this love. Yes, pinagpray ko 'to at patuloy kong ipagdadasal ang
pag-ibig na ito. I will pray, wait, and prepare because I know that TRUE LOVE CONQUERS ALL, BUT ALWAYS AT THE RIGHT TIME.
Comments
Post a Comment